crowded words

If i am not for myself,who will be for me? If i am for myself only, what am i?

umaga na naman December 8, 2007

Filed under: lucky8 — mishlek @ 6:53 pm
Tags:

Umaga na naman!   Unang tingin, sa cellphone mo… me nagtext ba?  Nag text ba sya?  Kahit man lang good AM! o kaya Hi! diba pwede na.. you would settle for that, me konti ng ngiti na lalabas jan sa mukha mo.  Wala!  Ayun hinagis ang cellphone nya.  Buti na lang lumanding sa kama, pasalamat ka kung hindi sira yan at pag nahimasmasan kana sa inis, sasabihin mo “Gaga sayang N series yan ng nokia”.  Bangon na!  Ano kaba!  Hihirit ka pa ng 5 minutes 5 minutes eh anong petsa na! mamya magmamadali ka na naman tignan mo.  O sya sya, kuha ng twalya baba ka na.  Uyy! me kape sa lamesa at me mainit na tubig na… Hayy unang pagpapasalamat sa buhay mong prinsesa diba.  Ligo, bihis, patuyo ng buhok at konting make-up para magka kulay ang mukha mo at matakpan ang itim sa ilalim ng mata.  Puyat ka na naman noh kakaintay na baka asa ere na sya… timang ka talaga.  Bago umalis, double chek ang bag at huling silay sa cellphone mo.  Hmp! Ano nakita mo? Yung pix nyo na ginawa mo pang wallpaper sa celphone mo.  Eh hindi naman tumunog eh, tinignan mo pa, kundi ka ba naman sira.  Hay naku pumasok ka na nga babaita ka maloloka ako sayo!  Eto na ang Lola papasok na… nag time-in at nag Hi! ke manong guard na hindi mapronounce pronounce ng tama ang pangalan mo na kay ganda.  Akyat ng hagdan, konting exercise din yan at bawal elevator eh, bawal kapag me nakakakita [hihihi]  Naku po, jampack na naman!  Hay Lord please give us strength.  1..2..3.. bilang ng konti at isang buntong hininga bago mag Grand entrance ka.  Hmmm.. with matching wave ng hand at bati ng gandang umaga.  Plastic ka din noh, hindi naman maganda umaga mo bat nag gugud morning ka? Hay sasabak ka na naman sa trabaho… iikot na naman ang pwet mo, para kang sundalo lakad dito lakad dun.  Sumaglit ng tingin sa salamin, infairness maganda ka iha! you aged beautifully… magbuhat ka ba naman ng sariling bangko! Sige na nga trip mo mag mirror mirror on the wall eh.  Since you’re on it, praktis ka ng smile ha,  mukha ka daw suplada.  Hoi La! Anong petsa na, sige na kumilos kilos kana. At bago tuluyan lumayo ang mikaela, hinarap ang cellphone..  “O pano yan galit galit muna tayo, sa pagbabalik ko tsaka na tayo magtutuos uli.  Magpakabait ka jan, wag ka malolobat ha at pag wala ka pa din message mamya manalangin ka na, baka this time hindi na sa kama ang bagsak mo sige ka!….