crowded words

January 12, 2008

“Sa dulo Mam…”

Filed under: OutLoud — Tags: — mishlek @ 11:21 pm

cavt-16369-shyeric.jpg“… Sa dulo Mam, gawing kanan” narinig ko sabi ng Nurse.   “Salamat” ang mahina kung tugon, pero alam ko naman sa isip-isip ko lukso ba ng dugo ang tawag dun.  Humakbang akong papalapit sa’yo, may halong saya at may halong kaba.  Sino kaya kamukha mo? Ang tatay mo o ang nanay mo? Sambit ko sa sarili ko. Kuno’t nuo kitang pinagmamasdan, sinusuri, tinitignan.  May mahabang pilik mata, maliit na ilong at labi na mapupula, may biloy sa pisngi na katulad sa iyong ama.  Bagay din pala sa maputi mong kulay ang pink mong suot anak, malamig sa paningin parang liwanag sa dilim.  Hay, ang ganda mo pala munting anghel me pinagmanahan ka talaga.    

“… Pwede mo syang hawakan Mam” naulinigan ko na sabi sa di kalayuan.  Lumingon ako at nagpasalamat, kanina pa kasi ako nakatanga akala tuloy natatakot ako na hawakan ka. Ayan napatakan kita ng luha sa nuo! embarasslaff1.gif  Ano ba yan, pasensya ka na ha, medyo madrama lang ang nanay mo.  Alam mo ba matagal ka na namin hinihintay, bawat araw bilang na bilang.  Kaya kanina ng magparamdam ka, ang tatay mo natataranta.  Ganito pala ang pakiramdam, para kaming kulang kulang, masayang kinakabahan.  Teka anak, ang daliri ko ang higpit naman ng pagkakahawak mo, sige ka baka maputol yan, baka tumigil ang daloy ng dugo sa higpit ng kapit mo.  Aba’y pangkurot ko ata yan sayo.  Hindi, biro lang anak ko. embarass.gif   

Ang liliit ng daliri mo pati ang yung mga kuko, ang sarap sarap amuy-amuyin.  Isa, dalawa, tatlo, apat, lima… sandali na lang ito ha tinitignan ko lang kung me labis at kulang pa.  Dalawang tenga, dalawang mata, isang ilong teka anak me butas ba, isang bibig, dalawang kamay, tatlong paa…Hah!  Ay dalawa lang pala!  Akala ko tatlo eh. 1bprrt1.gif

Maging mabait ka ha, anak?  Maging magalang ka at mabuti di lang sa amin maging sa lahat.  Huwag kang mananakit ng kalaro, sige ka, baka ayaw ka na nila maging kalaro hindi ka na nila isasali uli.  At kung ano man meron lang laruan mo, magpapahiram ka huwag mo ipagdadamot para pag gusto mo na rin manghiram, pahihiramin ka rin nila.  Maging malinis ka sa katawan, araw-araw ka maliligo ha at magsisipilyo ng ngipin anak ko. Huwag ka din masyado kakain ng sitsirya, nakakataba yun akala mo ba!  At ang mga matatamis na kendi, masisira ang ngipin mo dun. Pag mabaho ang hininga mo dahil sa bulok na ngipin at maasim ang kili-kili mo, hindi lalapit at hindi makikipaglaro ang mga kaibigan mo sa iyo, gusto mo ba yun? 

Anak, ang buhay natin pinahiram lang ng Diyos.  Tulad mo, pinahiram ka nya sa amin para maging katuparan ng mga pangarap namin. Ang anghel ng buhay namin ay ikaw.  Bigay din ng Diyos ang kalikasan, ang dagat at ang mga isda duon, ang hangin at mga ibon, ang ibat-ibang klaseng hayop at lupa na ating inaapakan.  Ganun sya kabait anak, kaya sana matuto kang magpahalaga, nang buhay mo at buhay ng iba.  

O ba’t ka umiiyak? Nagugutom ka ba? Kakadede mo lang, ah. Hala, matakaw ka anak ko mana ka sa tatay mo. loser.gif  Ay, umuu ka pala!.  Ang ganda ganda talaga ng aming munting anghel!  Napakahaba pa ng panahon, madami kapa dapat matutunan.  Basta anak makikinig ka lang sa amin ha at makikinig din kami sa iyo.   

Ay naghikab  ka na!  Inaantok ka na naman siguro... O sige na nga, sinesermonan naba kita?  Kagatin ko kaya ang pisngi ng puwet mo na matambok.  Hindi- hindi anak ko, nagbibiro lang ako.  Huwag na iiyak pa.  Eto na si nanay, ipaghehele na ang bebi Mikaela. 

No Comments Yet »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Blog at WordPress.com.