crowded words

If i am not for myself,who will be for me? If i am for myself only, what am i?

paano ba ngumiti? January 16, 2008

Filed under: OutLoud — mishlek @ 5:00 pm
Tags: ,

embarass.gif“Smile ka naman!”

^Yan madalas sinasabi sa akin pag me pichuran…  

“Naka smile na ako”

^Yan ang lagi kung tugon… 

“Ilabas mo ngipin mo noh!” 

[Putik naman - pati ba naman pag ngiti ko… HMP!]hmph.gif 

^“O ayan labas ipin na!”

“Gandahan mo naman ngiti mo! – ang sabi uli”

“Nagpa-picture ka pa”

^wahhhhhhhh :(  yoko na magpapicture. 

Ewan ko ba pero paano ba ang tamang pag-ngiti?  Kasimple-simpleng bagay pero parang hindi ko ata alam gawin. Kapag ngingiti ba ang tao dapat ba nakalabas ang ngipin?  Kelan ba naging panuntunan na ang pag-ngiti ay may kasamang ngipin na nakalabas?  Hayz!  But in fairness effective ang word na “cheese” sa akin, lumalabas ngipin ko eh. 

Eh pano kung madilaw ang ngipin mo… maraming sira o me bulok.  Gugustuhin mo pa bang ngumiti at makita ng lahat ng tao?  At masaya mo bang babanggitin ang salitang “cheese? Ewwww!  Kung ako yun sabihin ko na lang camera shy ako [hahahha]  Dahil panigurado Goodbye pogi-points o ganda-points mo dun [weeehhhh] 

Eto ang sa akin…Ang pag-ngiti ay walang pamantayan.  Me mga taong ubod ganda ang pag ngiti pero ubod lungkot naman.  Itinatago lang ng mga ngiting iyon ang sakit o kalungkutan nararamdaman…  “façade” ika nga… pang-harap lang.  Mas gugustuhin ko na lang h’wag humarap sa camera kesa pilitin kung ngumiti ng ubod ganda.   

“Hoy Michelle ano ba! Nagmuni-muni ka pa jan! Ngumiti kana!”

^Eto na eto na! ngingiti na bumilang kana! 

1..2..3.. click click 

“Maldita ka Mikaela bat nakadila ka?1bprrt1.gif

^ HAHAHHAHAHAHHAHAH

 

Leave a Reply