crowded words

If i am not for myself,who will be for me? If i am for myself only, what am i?

Pwede pa naman.. “in time” June 21, 2008

Filed under: OutLoud — mishlek @ 12:16 am
Tags:

Pwede pa naman ako humabol…

Madami naman na tulad ko na bumagsak pero diba ika nga “In time”. 

Hindi ko lang maubos maisip, ano ba meron sa isang papel na iyon?  Kung susuriin isa lamang ito na pangkaraniwan at paglipas ng panahon maninilaw sa kalumaan.  Ewan ko!

 

Ang totoo at hindi ko ito ikakaila na kahit ganun lang yun ka- ordinaryo minsan sa buhay ko hinangad ko rin ang papel na yun.  Sino ba naman ako para hindi mangarap… mangarap ng ilan taon.  Sa sitwasyon ko ngayon parang malabo, parang di pa rin napapanahon, parang di pa rin “In time”.  Pero hindi ko ito ipagsisiksikan at hindi sumagi sa isip ko na ipagpilitan.  Maging isa itong karaniwan tampulan ng kantyaw.  Wala naman masama kung uulitin ko diba. Kung mag uumpisa ako muli… kung mangangarap ako muli.  Hindi dahilan na minsan akong nangarap at nabigo,  para ako mawalan ng pag asa at sumuko na lang.   

 

Swertehan lang naman daw talaga ang labanan.

Me mga kilala din naman ako na madaling sinuwerte… pero pagkatapos ano na ba ang nangyari?  Tulad ko din.. bumabangon, nag uumpisa ang pag kakaiba me hawak sila na papel na pilit nilang pinabubura ang letra.  Para sa akin hindi ito swertehan na parang nanalo ka sa lotto o kamalasan na parang nabaon ka sa utang.  Eto ang tinatawag na parte ng buhay lamang.  Tuloy tuloy lang ang laban!

 

Leave a Reply